top of page
Search

Diskarte by Mickaela Reinne Abeleda

Bilang mag-aaral, marami akong bilhin at makuha sa buhay. At bilang mag-aaral din, maraming gastusin sa buhay. Ang isang mag-aaral ay kailangan ay madiskarte at hindi ka nawawalan ng pag-asa sa buhay. Ang buhay ay isang malaking pagsubok at ang pera ang isa sa mga problema ng tao ngayon. Habang lumalaki ang mga bata, tuamatanda ang matatanda kasabay naman nito ang pagtaas rin ng mga bilihib. Bawat isa sa atin ay mayroong kakayahang magtipid o mag-ipon ng sariling pera. Kaya narito ako upang ikwento ang aking kasanayan sa gawain sa pagtitipid.


Ang mga estudyante ngayon ay maraming gawain at masyado itong magastos. Bilang isa sa kanila, ang magulang ko ay bumili ng printer na magagamit ko sa paggawa ng mga school works ko. ang aking kuya ay nagpahiram ng laptop para magamit ko. Ito ay malaking tulong dahil masyadong mahal ang print at kadalasan dito sa mga paaralan ay puro handouts, nauubos ang pera ko. Para makabawi sa kanila, ginawa ko itong negosyo upang ang aking ibang kaklase ay magkaroon ng kopya. Ang kanilang binabayad ay dinadagdag ko sa aking baon at ito ay nagiging dahilan kung bakit may malaki akong baon bukod sa allowance ko. At dahil dito ay nabibili ko ang mga gusto ko.


Ang aking ginawa ay hindi masama dahil lahat naman ay mayroong napapala. Bilang tao, kailangan natin maging matiyaga para may nilaga. Ang pagtitipid ay malaking tulong at ang pag-iipon ay nakahanda para sa future. Lahat tayo ay mayroong gustong makamit na tagumpay sa buhay at simulan na natin ang pagtitipid at pag-iipon dahil maari itong magbigay ng katagumpayan. Kahit na estudyante lamang ay matutulungan mo ang sarili mo. Kaya simulan na ang pag-iipon. Sacrifice your present so you can reap success.

 
 
 

Comments


©2019 by The Heart Of Saving. Proudly created with Wix.com

bottom of page