Savings is the key by Kylene Rose Guardiano
- The Heart of Saving
- Oct 20, 2019
- 2 min read
Ang pag iipon ay importante lalo na sa mga kabataan na tulad ko. Dahil sa pag-iipon ng pera ay may mga bagay tayo na nabibili natin na mismong pera na natin ang ginagamit natin. Masarap sa pakiramdam na hindi na tayo humihingi ng pera sa mga gulang natin para pamili ng mga gusto natin bilhin. Ang pag-iipon na ito ay malaking tulong sa ating mga magulang hindi lamang para sa ating sarili, dahil mababawasan na ang mga iniintindi ng iyong mga magulang.

Aming groupo ay gumawa ng advocacy H.O.S ( save now enjoy, the future) para sa pag-iipon lalo na sa mga estudyante na tulad namin. Ibinahagi namin yung paano makapag-ipon ang mga kabataan kahit sila pa ay nag-aaral pa. Ito ay hindi lamang sa mga kabataan, ito ay puwede rin sa lahat ng mga tao na guston din mag-ipon. Ang advocacy na ito ay nakatulong din sakin na makapag-ipon kahit sa maliliit na halaga lamang. Ang sobrang kagastusan ko noon ay hindi na katulad ngayon. Ang bawat pag gastos ko ay iniisip ko muna kung dapat ko ba iyon bilhin o puwede naming hindi. Ang aking pera ay nagagmit ko na ng tama at hindi na kung ano-ano ang aking mga binibili. Sa mga perang mga naipon ko ay iniisip ko na gagamitin ko lamang iyon pag kinakailangan at hindi kung kailan ko lamang gusto.
Itong pag-iipon ng mga tao ay nakakatulong sa kanilang pamumuhay, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa kanilang kinabuksan. Itong pag-iipon ay malaking tulong sa mga tao lalo na kung may mga pangangailangan sila at ang kanilang mga naipon ang magagamit nilang pambili dito. Walang mawawala sa atin kung tayo ay mag-iipon at kung inyong iisipin may maganandang kalalabasan ang pag-iipon ng isang tao. Hindi mahirap ang pag-iipon ang mas mahirap ay kung wala ka ng pera dahil sa pag gastos mo ng hindi tama. Kung ngayon pa lamang ay ikaw ay nag iipon sa iyong kinabukasan ay may magandang kalalabasan. SAVE NOW AND ENJOY THE FUTURE.
Comments