My Saving Story by Ma. Corazon Guevarra
- The Heart of Saving
- Oct 19, 2019
- 1 min read
Bilang isang estudyante, bakit nga ba importante na mag-ipon? Bakit kailangan na iniisip na natin ang ating future? Nag-iipon ba tayo para sa sarili o para sa ibang tao? May gusto ka bang bilhin? O baka gusto mo lang dahil sinabi sayo? May gusto ka bang puntahan? Lahat tayo ay may dahilan kung bakit nag-iipon.

Importante na alam natin kung paano tayo magsisimulang mag-ipon. Naalala ko noon may isang bagay na gustong-gusto kong bilhin. Ang sabi ng mama ko, kung gusto ko makuha iyon, paghirapan at pagipunan ko. Dahil mas pahahalagahan ko ang bagay na iyon kapag ako mismo ang bumili. Lagi nating tatandaan na hindi natin ito ginagawa para sa iba, kundi para sa sarili natin. May isang tao na nagsabi sakin na kahit paunti-unti lang, matuto akong mag-ipon. Dahil ako rin ang makikinabang dito.
Sa murang edad, maganda na ala, natin kung paano magsisimula. Simulan nating gawin o planuhin natin ang future natin. Dahil sabi nga, "Save now, enjoy the future" o "enjoy now and suffer the future". Isipin natin palagi na lahat ng ginagawa natin ngayon ay may patutunguhan at pupuntahan.
Comments