One Day Millionaire by Sheina Jean Pinca
- The Heart of Saving
- Oct 20, 2019
- 2 min read
Ilang days nalang at pasko na. Marami ng sale sa mall, marami ng mga tiyangge o bilihan ng mga damit ang makikita sa mga daanan, at umpisa na ng pamimili ng mga pang-regalo para sa pamilya at mga inaanak. Ngunit nakahanda na ba ang iyong bulsa para sa nalalapit na kapaskuhan? Ayos lang ba na maging isang "One day millionaire" sa nalalapit na kapaskuhan?

One day millionaire ang tawag natin sa mga taong kung gumasta ng pera ay parang wala ng bukas na darating. Hindi nila iniisip kung bukas ay may pera pa ba silang pambili para sa iba pa nilang pangangailangan. Ngayon na malapit na ang kapaskuhan tumataas ang demand ng mga pagkain gaya ng mga pasta, keso, tinapay at iba. Kasama din sa ating mga pinag gagastusan ang mga panregalo natin sa ating pamilya at mga inaanak. Tayo ay natutukso gumastos ng malaki dahil kaliwa't kanan ang mga tindahan ang makikita mo kahit saan. Tuwing kapaskuhan gastos doon, gastos dito ang nakasanayang takbo ng ating buhay. Para sa akin ayos lang naman na pag gastusan natin ang pag diriwang ng kapaskuhan lalo na at isang beses lang natin itong ipagdiriwang sa isang taon. Ngunit kailangan may disiplina pa rin tayo sa pag gastos at pag hawak ng pera. Minsan dahil sa pagiging 1 day millionaire natin, nakakalimutan na natin ang mag tipid at mag ipon. Nakakalimutan natin na may iba pa tayong pangangailangan sa susunod na bukas na kailangan iprayoridad. Hindi na natin namamalayan na gumagasta na tayo ng malaki sa mga bagay na hindi naman natin masyado kailangan. May mga paraan naman para mas makatipid tayo sa darating na kapaskuhan. Subukan mong ilista lahat ng pagkakagastusan mo. Ito ay suriin mo kung anu ba dapat sa mga ito ang kailangan bilihin at alisin mo ang mga hindi mo naman kailangan bilihin. Sa ganitong paraan, mag kakaroon ka ng disiplina sa pag-gasta. Kailangan mo pag aralan kung paano hahawakan ang pera mo ng tama lalo na ngayong kapaskuhan. At kapag natuto ka na, unti-unti hindi ka na mahihirapan sa pagtitipid.
Hindi pa naman huli ang lahat. Sabay sabay natin baguhin ang ating nakasanayan. Marahil mahirap gawin ang pagtitipid, pero kung gusto may paraan. Simulan natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Maganda ang magiging dulot ng pagtitipid sa buhay natin. Bukod sa may mabubunot tayo sa tuwing tayo ay may pangangailangan, nakakapag ipon din tayo para sa ating kinabukasan. Masayang ipagdiriwang ang kapaskuhan. Pero hindi dapat matapos ang kasiyahan ng isang araw lang. Pero sa bandang huli, kayo pa din ang may hawak ng desisyon. Nasa iyo pa din kung pipiliin mong gawin ang mas nakabubuti para sayo. Para sa akin, sapat na ang may pagsaluhan kayo na pagkain kahit kakaunti lamang ang handa nyo. Hindi kailangan ng mamahaling materyal na pangregalo at magarang handaan para mapakita mo sa pamilya mo na mahal mo sila. Ang mahalaga buo at sama-sama ninyong ipagdiriwang ang araw ng kapaskuhan.
ความคิดเห็น