Opportunities that I take to Save and Earn Money by Kylene Rose Guardiano
- The Heart of Saving
- Oct 19, 2019
- 2 min read
Updated: Oct 20, 2019
Paano nga ba makapag-ipon? May mga bagay kang gustong bilhin at kulang ang budget? Iniipon ang pera ngunit ginagastos din namad agad. Paano makakapag-ipon kahit estudyante pa? May mga gustong bilhin pero hindi naman talaga kailangan. Kumita habang nag-aaral? Ang mga tanong sa aking isipian na gusto ng kasagutan. Mga nararanasan na gusto kong lagpasan.

Ang pag-iipon ay napaka hirap gawin lalo na sa mga kabataang tulad ko na maraming gustong bilhin, mga luho na gustong makuha. Kagaya ko na iniipon ang pera ko ngunit ginagastos din naman agad at inuubos ng sobra. Puwede tayo makapag-ipon kahit tayo ay estudyante pa lamang. At maaari nating pigilan ang ating sarili na bumili ng kung ano-anong bagay. Tayo ay mag-ipon para sa pagdating ng pangangailangan ay mayroon tayong mabubunot. Katulad ko na nakakapag-ipon ngayon dahil sa baon ko. Iniiwasan ko na bumili ng kung ano-ano. Katulad na lamang ng mga pagkain kahit busog na ay bili pa rin ng bili. Ngayon ay naisip ko na sobra-sobra ang paggastos ko sa pera ko at dapat may ipon ako para mabili ko ang mga dapat kong bilhin. At dagdag sa pag-iipon ko ay tumutulong at nagtratrabaho ako sa tindahan namin at binibigyan ako ng pera ng mga magulang ko dahil dito.
Gusto kong pigilan ang sarili ko na gumastos at gusto ko na magsimulang mag-ipon. Dahil kapag ako ay nag-iipon, nabibili ko yung mga bagay na gusto kong bilhin at hindi na ako hihingi ng pera sa magulang ko. Para saakin ang saya sa pakiramdam pag sarili kong pera ang ginagamit ko sa pagbili ng mga bagay. At ang mga naipon kong pera maari naming magamit para pagkailangan namin ng pera ng pamilya ko may pagkukuhaan kami. Ang pag-iipon ng isang kabataan ngayon ay pagsasanay para sa kanilang kinabukasan. Para pag sila ay matanda na, may trabaho at may pamilya na, kaya na nilang ibudget ang mga pera nila. Ang pag-iipon ng mga kabataan ay paghahanda para sa kanilang kinabukasan.
留言