top of page
Search

Pag-iipon by Sheina Jean Pinca

Bilang isang estudyante, marami tayong mga pangangailangan sa araw-araw. Lahat ng pangangailangan natin, hinihingi natin sa ating magulang. Mula sa kasuotan, pagkain, at pera, lahat ng ito ay ibinibigay ng ating magulang. Pero habang lumalaki tayo, mas lumalaki din ang ating mga pangangailangan. Minsan napapaisip ako, kulang ba ang ibinibigay sa akin ng magulang ko o hindi lang talaga ako marunong magtipid sa kung anung meron ako. Ang pag iipon ba ng pera ay makakatulong sa akin para matustusan ko ang iba ko pang pangangailangan ng hindi umaasa sa aking magulang.

Maraming paraan para tayo ay makapag ipon at mag tipid. Kailangan nating matuto humawak ng pera na may disiplina kahit tayo ay mga bata pa. Dahil kung hindi tayo matututo, tayo din ang kawawa pag dating ng panahon. Huwag tayong masanay na dumipende sa kung anung ibinibigay ng ating magulang sa atin. Hindi sa lahat ng oras ay meron maibibigay ang ating magulang sa atin. Kaya sabay sabay natin baguhin ang pag gastos na ating kinasanayan at matutong magtipid at mag ipon.

Комментарии

©2019 by The Heart Of Saving. Proudly created with Wix.com

bottom of page